
Sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang isang kapitan ng barangay at ang kanyang driver matapos silang tambangan sa Brgy. Tagbas, Albuera, Leyte pasado alas-6 ng umaga kahapon.
Batay sa ulat ng Leyte Police Provincial Office, sakay ng isang puting pick-up truck ang mga biktima nang harangin at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Agad isinugod sa ospital sa Ormoc City ang mga biktima na kinilalang sina alyas “Toto,” ang barangay chairman, at “Jojo,” kanyang driver.
Samantala, patuloy ang isinasagawang hot pursuit operations ng pulisya upang matunton ang mga suspek.
Tiniyak din ng mga awtoridad na igagawad ang hustisya sa dalawang biktima.
Facebook Comments









