Barangay captain, huli dahil sa pagbebenta ng loose firearms

Kasunod ng kampanya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa loose firearms.

Pinaigting pa ng CIDG ang kanilang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang barangay official at isa pang indibidwal.

Kinilala ang nahuli na si Barangay Captain Renato Acosta, 61-year-old matapos maaktuhang nagbebenta ng loose firearms sa Brgy. Wakat, Nagcarlan, Laguna.


Nakumpisa sa kapitan ang isang caliber 45 semi-automatic rifle, (1) unit caliber 45 pistol, (2) pcs magazine for caliber 45 semi-automatic rifle, (1) pc steel magazine for caliber 45, six (6) rounds of live ammunition for caliber 45, ten (10) rounds of live ammunition for caliber 45, five (5) rounds of live ammunition for caliber 45.

Ginagamit umano nito ang social media sa pagbebenta ng mga illegal gun.

Samantala, arestado rin ang isang Ralph Villanueva, residente ng Barangay Lumaniag, Lian, Batangas matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law.

Kasunod nito nangako ang CIDG na magtutuloy tuloy ang pagsawata sa loose firearms lalo na ngayong nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Facebook Comments