Tinutugis na ng Philippine National Police (PNP) ang isang barangay captain na nagsagawa ng sabong sa Cebu sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng quarantine rules tulad pagbabawal sa mass gathering.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, hinahanap na ngayon si Wilfredo Alvarado na siyang nagsagawa ng illegal cockfighting nitong Sabado.
Si Alvarado ay chairman ng Barangay Lamesa sa bayan ng Balamban sa Cebu.
Nasa lima ang naaresto sa isinagawang raid ng pulisya sa nasabing illegal cockfighting at nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 449 o Cockfighting Law.
Facebook Comments