Barangay caravan, gagamitin muling sistema ng Caloocan LGU sa pamamahagi ng ayuda sa Miyerkoles, August 11

Inanunsyo ng Caloocan Local Government Unit (LGU) na gagawin muli na by schedule sa pamamagitan ng barangay caravan ang pamamahagi ng Enhance Community Quarantine (ECQ) ayuda.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, sa Miyerkoles, Agosto 11 na pasisimulan ang pamamahagi ng ECQ ayuda mula sa national government.

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, gagamitin din nila ang mga service providers upang mabilis na maibigay ang ayuda.


Paalala ng LGU, huwag biglang magtutungo sa mga payout sites.

Antayin lang ang text message mula sa USSC money transfer service ang mga benepisyaryo kung saan nakalagay rito ang reference number at schedule kung kailan kukunin ang ayuda.

Batay sa guidelines ng national government, ang mga makakatanggap ng cash aid ay ang mga benepisyaryo rin na nakatanggap ng unang ECQ.

Ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng PHP 1,000 hanggang 4,000 kada pamilya.

Mayroong 400 thousand individuals ang target na mabigyan ng cash assistance sa lungsod.

Facebook Comments