
Hindi na tatanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng barangay certificates bilang proof of residency para sa voter registration.
Ito ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa harap ng muling pagbubukas ng pagpaparehistro ng mga botante mula July 1-11.
Sabi ni Garcia, nirebisa na nila ang guidelines sa registration at inalis na ang barangay certificates sa pwedeng gamitin bilang patunay ng address.
Nagagamit kasi aniya ito ng mga tiwaling barangay official para ilipat ang mga botante o alisin ang mga sa palagay nila ay kalaban.
Ganito raw kasi ang na-monitor ng poll body sa ilang insidente nitong nagdaang midterm elections at ang napaulat na pagdagsa ng mga botante mula sa ibang barangay gaya ng sa Makati City at Cagayan de Oro City.
Binuksan ng Comelec ang voter registration para sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa unang araw ng Disyembre.









