Barangay chairman at mga kagawad ng Brgy. Dulag, Lingayen, Pangasinan, hinuli dahil sa paglabag sa ECQ matapos mag-inuman at magpaputok ng baril

Arestado ang barangay chairman ng Brgy. Dulag, Lingayen, Pangasinan kasama ang tatlo nitong kagawad, dalawang barangay tanod at isa pang sibilyan matapos na lumabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nahuli ng mga tauhan ng Lingayen Police ang mga suspek na nagiinuman at nagpaputok pa ng baril sa mismong barangay hall ng Brgy. Dulag, Lingayen, Pangasinan kagabi.

Kinilala ang Brgy. Chairman na si Benjie Mararac, 49 anyos, tatlo nitong barangay kagawad na sina Jerwin Canilang, Arthur Rosario at Edzel Mararac.


Habang ang dalawang barangay tanod na kasama nilang naginuman ay sina Jaime Ferrer at Ruben Mangiralas at isang lalaki na kinilalang si Harold Calingasin lahat sila ay mga residente ng Brgy Dulag, Lingayen, Pangasinan.

Nakuha ng mga pulis sa barangay hall ang anim na bote ng alak, isang Glock pistol cal. 40.

Sa ngayon, nakakulong na sila sa Lingayen Police Station at nahaharap sa patong-patong na kaso.

Facebook Comments