Barangay chairman, patay matapos pagbabarilin

Rizal, Philippines – Patay ang isang barangay chairman matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng Queen Mary Hospital sa National Road, Barangay Calahan, Cardona, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Roger Canios, kapiĀ­tan ng barangay Bombongan sa bayan ng Morong.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, inihatid ng biktima ang kanyang nanay sa ospital sakay ng kanyang suv dakong alas-11:10 ng umaga.


Ang biktima ay nasawi matapos barilin ng suspek sa likurang bahagi ng ulo.

Dahil dito, patuloy pa ang imĀ­bestigasyon ng kapulisan sa likod ng pamamaslang at kung ano ang motibo sa krimen.
DZXL558

Facebook Comments