Barangay chairman sa Lanao Del Sur, inaresto ng Martial Law Special Action group sa Misamis Oriental matapos mahulihan ng droga

Lanao del sur – inaresto ng Martial Law Special Action Group o mlsag ang isang Barangay Chairman ng Lanao Del Sur at kasama nito nang makunan ng droga sa Opol, Misamis Oriental.

Ang mga suspek ay sina Abbas Rasuman isang Chairman ng isang Barangay sa Lumba-bayabao, Lanao Del Sur at ang kasama nito na si Bantogaranao Domalondong na Barra, Opol, Misamis Oriental.

Nakuha mula sa dalawa ang shabu na nagkakahalaga ng 35 libong piso, drug paraphernalia, mga cellphone at sasakyan.


Napag-alaman na nagsagawa ng security check ang m-l-sag nang makatanggap ng impormasyon na may maraming evacuees sa lugar at may mga miyembro ng maute group.

Pero wala namang naarestong miyembro ng maute sa lugar sa isinagawang security check kahapon.

Facebook Comments