Manila, Philippines – Sugatan ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Malate Manila.
Kinilala ang biktima na si Crisot Hespano, chairman ng brgy. 649 zone 68 sa port area.
Sakay ng SUV ang biktima at pagsapit ng Roxas Blvd. kanto ng Quirino Avenue, ay dito na ito pinagbabaril.
Nagawa naman imaneho ng biktima ang kaniyang sasakyan sa tapat ng CCP Complex sa Pasay City kung saan nakahingi ng tulong kaya’t naisugod sa San Juan De Dios Hospital.
Iniimbestigahan naman na ng pulisya ang nangyaring krimen at inaalam na din ang motibo maging ang pagkakakilanlan ng suspek.
Facebook Comments