Nadakip ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang babaeng barangay chairperson na matagal nang tinutugis ng batas dahil sa kasong murder.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni PNP-CIDG Zamboanga Peninsula Chief Police Col. John Francis Encinareal ang naaresto na si Radzata Dambong, kapitana ng Barangay Asin sa nasabing bayan.
Ayon kay Col. Encinareal, si Dambong ay may existing warrant of arrest dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa isang Mukim Hussin noong November 2020.
Ang suspek ay naaresto kasunod ng operasyon sa Barangay Seit Lake sa bayan ng Panamao sa lalawigan ng Sulu.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG field office sa Sulu ang suspek at nakatakdang dalhin sa korte para panagutin sa kinakaharap nitong kasong kriminal.