Barangay demographic tool, dapat gamitin sa vaccine rollout – POPCOM

Isinusulong ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang paggamit ng in-house demographic vulnerabilities tool (DVT) para tulungan ang mga ahensya sa pagpapatupad ng COVID-19 immunization program.

Ayon kay POPCOM Undersecretary Juan Antonio Perez, inirerekomenda nila sa Department of Health (DOH) at local government units (LGUs) ang paggamit ng bagong paraan bilang basehan ng vaccine rollout batay sa geographic priorities.

Mahalagang magkaroon ng compositive teams sa mga komunidad na may mataas na COVID-19 cases.


Ipapamahagi ng ahensya ang bagong DVT information sa kanilang partner agencies kabilang ang DOH, Department of Interior and Local Government (DILG), at National Economic and Development Authority (NEDA).

Gagamitin ang mga materyales para matugunan ang COVID-19 situation sa iba’t ibang lugar.

Magbibigay rin ito ng bagong datos mula sa mga barangay ukol sa epekto ng pandemya para sa targeted rollout ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments