Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na muling ipagpaliban ang barangay elections.
Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niya munang umusad ang barangay elections ngayong taon dahil sa inaasahang impluwensya ng drug money sa halalan.
Paliwanag ni Duterte, anim o pitong taon na ang nakalipas mula nang maging narco-politics ang Pilipinas, kaya mahirap asahan na magkakaroon ng malinis na eleksyon ngayong taon.
Kung itutuloy aniya ang barangay elections, makakaupo na sa pwesto ang mga pulitikong suportado ng pera mula sa iligal na droga.
Una nang sinabi ng pangulo noong nakaraang taon na maaring magamit ang drug money para sa pagpondo ng kampanya ng ilang mga kandidato.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL, Manila
Facebook Comments