Barangay Ginebra, nakauna sa best of seven finals ng Governor’s Cup

Sports – Tinambakan ng defending champion Barangay Ginebra ang Meralco Bolts, 102-87 sa Game 1 ng kanilang best of seven PBA Governor’s Cup finas sa Quezon Convention Center.

Hindi pinaporma ng Gin Kings ang Bolts sa laro dahil sa first quarter pa lang ay tinambakan na agad nila ang Bolts. Nagtapos ang first half, 40-23 pabor sa Gin Kings.

Umiskor ng game high 32 points at kumamada ng 19 rebounds si Justine Brownlee para pangunahan ang Gin Kings.


Nag-ambag naman ng tig 15 at 14 points ang twin towers ng Ginebra na sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

Umiskor naman ng 27 points si Allen Durnham para sa Meralco habang may katorse puntos si Baser Amer.

Facebook Comments