Barangay Ginebra, panalo kontra TNT KaTropa sa semifinals ng PBA

Sports – Nakuha ng Barangay Ginebra San Miguel ang 2-1 sa best of five semifinals ng talunin ang TNT KaTropa sa iskor na 106-103.

Dahil dito, isang panalo na lang ang kailangan ng ginebra para makapasok finals ng PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa Ginebra si Joe Devance na nakapagtala ng 20 points habang mayroong tig-17 points sina Justin Brownlee at Scottie Thompson.


Nasayang naman ang nagawang 44 points, 20 rebounds at anim na assists ni TNT Import Glen Rice Jr.

Facebook Comments