Barangay Ginebra, panalo kontra TNT sa first game ng semifinals ng PBA Governors’ Cup

Sports – Tinambakan ng barangay Ginebra ang TNT katropa sa first game ng kanilang best of five semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa gins si Justin Brownlee na nakapagtala ng 21 points, walong rebounds, limang assists at tatlong steals.

Nag-ambag naman ng 19 points si Joe Devance at 16 points si Greg Slaughter.


Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, ginawa lamang nila ang nararapat para talunin ang TNT at inaasahan nila na magiging mas matindi ang magiging depensa ng kanilang kalaban sa game two sa Miyerkules.

Facebook Comments