Barangay Ginebra, planong bumawi sa pagkatalo sa magiging laban kontra Rain or Shine Elasto Painters

1104

Plano ngayon ng Barangay Ginebra San Miguel na bumawi sa naging pagkatalo nila noong Linggo sa magiging laban nila kontra Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup Clark Bubble.

Makakaharap ng Gin Kings ang Rain or Shine mamayang alas-6:45 ng gabi na gaganapin sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.


Matatandaan na natalo ang Ginebra sa Magnolia sa score na 92-102 kung saan kasalukuyan silang nasa pangalawang pwesto sa team standings na may 4-1 win/loss record.

Desidido naman ang Rain or Shine na masungkit din ang panalo upang makuha ang ikalawang pwesto sa team standings hawak ang 3-1 win/loss record lalo na’t nakapagpahinga sila ng ilang araw matapos na makansela ang kanilang laro kontra Blackwater Elite noong Sabado.

Facebook Comments