Barangay Ginebra San Miguel, back to back champion sa PBA Governors’ Cup

PBA – Nakuha ng Barangay Ginebra San Miguel ang back-to-back championship sa 2017 PBA Governors’ Cup.

Ito’y matapos talunin ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa Game 7 na nagtapos sa score na 101-96.

Itinanghal bilang Finals Most Valuable Player si LA Tenorio na nakapagtala ng 26 points sa Game 7.


Ito na ang pang-sampung kampeonato ng Ginebra habang ito ang unang back-to-back championship nila sa loob ng 38-taon.

Samantala, nagtala naman ng record breaking crowd ang laban nang pumalo sa 54,086 ang bilang ng mga fans na nanonood ng live sa Phlippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Facebook Comments