Barangay Ginebra San Miguel, pasok na sa semifinals ng PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Barangay Ginebra San Miguel matapos talunin ang Globalport Batang Pier sa iskor na 96-85.

Bumida sa Ginebra si Justin Brownlee na nakapagtala ng 39 points, nine rebounds at apat na assists habang mayroong 21 points, walong rebounds si Japeth Aguilar at 12 points at walong assists si LA Tenorio.

Mula unang quarter ay hindi hinayaan pa ng Ginebra na makalamang ang Globalport.


Sa huling minuto naman ng kanilang laban, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Tenorio at Terrence Romeo.

Dito ay pinalabas ng court si Romeo na pinatawan ng dalawang flagrant foul.

Habang napatawan rin ng technical foul sina Tenorio at Ginebra Coach Tim Cone at Globalport Coach Franz Pumaren.
DZXL558

Facebook Comments