Handa na ang mga gagamiting voting centers sa lalawigan ng Pangasinan para sa darating na Halalan, ayon Kay COMELEC Pangasinan Provincial Election Officer Atty. Ericson Oganiza.
Ayon kay Atty. Oganiza, tapos na ang pakikipagpulong ng mga election officers sa mga bayan upang masiguro ang katatagan ng kuryente sa mismong araw ng halalan gayundin ang kabuuan ng pasilidad upang pagbotohan.
Maliban sa mga paaralan gagamiting voting centers ang ilang barangay halls at day care centers sa probinsya upang mas mailapit sa mga residente ang botohan.
Handa rin umano COMELEC sakaling magkaaberya sa transmission dahil hindi lamang iisang mode ang mayroon sila sa pagtransmit ng boto ngunit naka standby rin umano ang kanilang mga contingency plans.
Samantala, natapos na ang pagsasanay sa mga magsisilibing technical support staff at electoral board sa halalan at susunod na sasanayin ang mga magsisilbing Board of Canvassers sa April 7-11. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨