Barangay Hall, Sinadyang Sunugin!

29

Santiago City, Isabela – Sinadyang sunugin ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang barangay hall ng Mabini Santiago City kahapon sa oras na alas syete kwarentay tres ng umaga, May 17,2018.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Alberto Timbal, Chief Investigator ng BFP Santiago City na naapula na ang sunog nang dumating ang fire trucks ng BFP Santiago dahil sa nagresponde agad ang ilang kalalakihan na naglalaro ng basketball malapit sa barangay hall.

At sa isinagawang imbestigasyon aniya, may posibilidad na sinadyang sunugin ang barangay hall dahil sa gitna ng opisina inipon ang mga importanteng papeles na hinaluan ng mga walis tingting upang sunugin.

Nasira rin umano ang steel cabinet ng mga mahahalagang dokumento sa silid ng Secretary,Treasurer at Bookkeeper ng barangay hall.

Idinagdag pa ni SFO1 Timbal na nakapadlock ang pintuan ngunit walang nakita na maaring dinaanan ng suspek sa tangkang pagsunog.

Sa ngayon ay inimbitahan na umano ng BFP Santiago ang anim na person of interest sa naganap na tangkang pagsunog sa barangay hall ng Mabini,Santiago City.

City.tags:Luzon,RMN News Cauayan,DWKD 985 Cauayan,BFP Santiago City, SFO1 Alberto Timbal Attachments area

Facebook Comments