Tiniyak ng Department of Health (DOH) na maaaring humingi ng tulong mula sa mga Local Government Units (LGUs) ang pribadong sektor para mabigyan ng agarang atensyong medikal at mailipat sa quarantine facilities ang kanilang mga manggagawang magpopositibo sa COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sakaling magpositibo sa COVID-19 ang isang employee o nakakaranas ng sintomas ay maaaring humingi ng tulong ang kumpanya sa Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang LGU at BHERTs ay handang tumulong lalo na sa paghahanap ng isolation facility.
Nakipagtutulungan ang BHERTs sa Local Epidemiology and Surveillance Units at Contact Tracing Teams sa paghahanap ng confirmed COVID-19 patients.
“They also work together with the Barangay Disiplina Brigade in implementing minimum public health standards in the barangays and promote awareness of the virus,” sabi ni Vergeire.
Iginiit ng DOH na ang BHERTs ay itinuturing na first line of support sa mga lokal na komunidad.