Barangay Health Stations na pinagawa ng Aquino administration, iminungkahing gamitin na COVID-19 vaccination centers

Plano ni Senator Nancy Binay na maghain ng resolusyon para ipabusisi ang estado ng mga school-based Barangay Health Stations o BHS Project na ipinagawa ng Aquino administration.

Layunin ni Binay na madetermina kung maaaring gamitin ang BHS para sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ito rin ang nakikitang tugon ni Binay sa pangangailangan ngayong may pandemya na magpagawa ng mas maraming public health facilities.


Subalit sa pagdinig ng Senado ay sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Lilibeth David na handa nang gamitin ang ilan sa mga Barangay Health Stations kaya lang may mga demanda pang nakabinbin kaugnay nito.

Magugunitang itinigil ang pagtatayo ng BHS dahil ayon sa mga kontratista, hindi tumupad ang gobyerno sa kontrata.

Pero sabi naman ng DOH, 270 lang ang naipatayong BHS at walo lang sa mga ito ang may dokumento pero ang sinisingil sa kanila ay para sa 429 na BHS.

Facebook Comments