Pinagiigting ang serbisyong pangkalusugan na hatid sa mga barangay sa bayan ng San Nicolas sa pamamagitan ng pamamahagi sa mga ito ng mga kagamitan medikal.
Ilan lamang ang barangay sa Lungao, Salingcob at San Isidro sa nasabing bayan ang kailan lamang nakatanggap ng mga kinakailangang medical equipment na pandagdag sa mabilisang pagresponde sa usaping medikal ng mga residente sa bayan.
Layunin din nito ang makapagbigay ng kalidad at mas epektibong serbisyo na tututok sa mga maliit residente mula sa maliliit na barangay at pagpapalakas ng paunang solusyon sa pamamagitan ng mga barangay health stations.
Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng mga medical equipment ng Department of Health sa mga bayan at munisipalidad sa Pangasinan na alinsunod na rin sa Universal Healthcare System. |ifmnews
Facebook Comments