Magda-dalawang buwan matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon, tuloy pa rin ang paghahatid ng serbisyo at sakripisyo ng ating frontliners.
Gaya ni Ginang Maricel Arenas, barangay health worker sa Brgy. General T. De Leon, Valenzuela City at isa sa mga nagbabantay sa checkpoint.
Kasama rin siya ng mga barangay officials na naka-antabay sa emergency health service sakaling may residenteng kinakailangang isugod sa ospital.
Tiniyak naman ni Arenas na nag-iingat pa rin siya at hindi nakakalimutan ang pagdi-disinfect pagdating sa kanilang tahanan para masiguro rin ang kaligtasan ng kanyang pamilya sa banta ng COVID-19.
Gaya ng mga barangay tanod, sub-minimum wage earners din ang mga barangay health workers na hindi sumasahod nang regular pero patuloy na nagseserbisyo sa bayan.
Si Arenas at ang iba pang mga barangay health worker na hindi napapagod sa pagtulong ay sinasaluduhan ng ating mga radyoman dahil sa kanilang sakripisyo para sa Bayan ni Juan.