BARANGAY HEALTH WORKERS NG TUMAUINI, TUMANGGAP NG MEDICAL EQUIPMENT

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng kagamitang pang-medikal ang mga Barangay Health Workers mula sa Lokal na Pamahalaan ng Tumauini sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ang mga nasabing kagamitan ay mula sa Provincial Government of Isabela na kinabibilangan ng 306 Aneroid Sphygmomanometer, stethoscope, at Digital Thermometer para sa 306 ding Barangay Health Workers.

Layunin nito na mapabuti at maging maayos pa ang serbisyo ng mga Barangay Health Workers sa kanilang nasasakupan.


Facebook Comments