BARANGAY INFORMATION MANAGEMENT SYSTEM TRAINING, ISINAGAWA

Cauayan City – Sumailalim sa Barangay Information Management System (BIMS) Training ang mga barangay secretary mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Isabela.

Layunin ng pagsasanay na ito na higit pang mapaunlad ang kaalaman ng mga nakilahok sa paggamit ng teknolohiya sa pamamahala ng barangay.

Ang mga bayan ng Echague, Aurora, Cabagan, San Isidro, Maconacon, Mallig, Cordon, Burgos, at Jones ay nagsagawa ng pagsasanay sa buong buwan ng Enero 2025.


Sa pamamagitan ng programang ito, natutunan ng mga Barangay Secretaries ang paggamit ng BIMS, isang online platform na idinisenyo upang mapadali ang pangangasiwa ng impormasyon at dokumentasyon sa barangay bilang bahagi ng digitalisasyon ng pampublikong serbisyo, at mas mapadali ang pagtatala ng impormasyon, paggawa ng ulat, at pagpapanatili ng transparency.

Nakiisa sa aktibidad ang Liga ng mga Barangay, DILG Isabela, mga Pambayang Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal, Cluster Staff, at information system analyst.

Facebook Comments