Huli sa buy-bust operation ang Barangay Kagawad na si Diana Guiao at kasamahan nito na si Benjamin Velasquez sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa otoridad, matagal nang tinutugis ang dalawang suspek dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa kanilang lugar.
Nakuha sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,800 at ang ₱300 na marked money na ginamit ng mga pulis sa operasyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Facebook Comments