Barangay Kagawad at Isa Pang Tulak ng Droga, Huli sa Buy Bust!

69

Santiago City, Isabela- Arestado ang dalawang tulak ng droga matapos mabisto sa isinagawang Buy Bust Operation ng pinagsamang PNP Station 1 Santiago City sa pangangasiwa ni PCI Rolando Gatan at pangunguna ni PSI Florentino Mawirat, City Intelligence Branch (CIB), PDEA RO2 at SCPO sa pangunguna ni PCI Cabonatalla kahapon Pebrero 12, 2018 sa lungsod ng Santiago, Isabela.

Kinilala ang isang tulak ng droga na si Ricardo Cabrera, 48 anyos, drayber at residente ng Sitio Quirat, Rizal, Santiago City.

Nakuha mula sa suspek ang isang heat sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu at narekober mula sa kanya ang limang daang pisong buy bust money.

Samantala, nahuli rin ang isa pang suspek na si Franklyn Ambali, 47 anyos, isang kagawad at residente ng Cauayan City, Isabela matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang Pulis na nagpanggap na bibili at narekober din mula sa suspek ang limang daang pisong buy bust money.

Nasa kostudiya na ng PNP Santiago City ang dalawang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments