Barangay Kagawad at Treasurer, Kabilang sa CBRP ng Delfin Albano!

Delfin Albano, Isabela – Kabilang sa Community Base Rehabilitation Program o CBRP ang isang Brgy. Kagawad at Treasurer sa Delfin Albano, Isabela.

Ayon kay Police Senior Inspector Ericson B. Aniag, hepe ng Delfin Albano na kabilang sa 148 tokhang responders ang dalawang opisyal ng barangay kung saan ay nakapagtapos na ng CBRP noong taong 2017.

Nilinaw ni Senior Inspector Aniag na hindi na tumakbo sa nakalipas na eleksyon ang Brgy. Kagawad ngunit patuloy parin ang monitoring ng kapulisan sa mga nakapagtapos na ng CBRP.


Idinadag pa ni COP Aniag na tatlong tokhang responders ang hindi pa nakapagtapos ng CBRP dahil sa kasalukuyan ang kanilang pagsasanay sa pagmamaneho sa pamamagitan ng TESDA.

Samantala, mayroong anim na barangay sa Delfin Albano ang naideklarang drug free at apat na drug cleared, samantalang kasalukuyan pa ang proseso ng 19 na barangay upang maging drug cleared.

Facebook Comments