Barangay kagawad, binaril ang tiyuhin –patay!

Iloilo – Binawian ng buhay ang isang tiyuhin matapos barilin ng kanyang pamangkin na barangay kagawad ng barangay Dungon sa bayan ng Concepcion, Iloilo alas-4 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Brillantes, 57 anyos , isang mangingisda habang ang suspek naman ay ang kanyang pamangkin na si Barangay Kagawad Rodan Demate.

Sinabi ni Police Chief Inspector Abner Jordan, hepe ng concepcion pnp na nag-uusap ang magtiyo hanggang nakarating ang usapan sa nalalapit na barangay elections.


Sinasabing tinanong ng pamangkin ang kanyang tiyuhin kung iboboto siya nito sa darating na eleksyon ngunit hindi ito sumagot kung kaya’t bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima na nagtamo ng sugat sa dibdib.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay samantalang mabilis naman na tumakas ang suspek sakay ng pump boat at nananatilng at large hanggang ngayon.

Facebook Comments