Barangay Kagawad, Huli sa Pagbebenta ng Nakaboteng Petrolyo

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang Barangay Kagawad dahil umano sa pagbebenta ng iligal na produktong petrolyo kahapon (March 15,2021) sa Barangay Nabannagan East, Lasam, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Anthony Galicia, 55-anyos, may-asawa at residente sa naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad,naaresto ang suspek matapos nitong mapagbentahan ng isang (1) bote ng unleaded gas ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P100.00.


Kinumpiska sa suspek ang labing-walong (18) plastic containers na naglalaman ng higit kumulang isandaan at tatlumpu (130L) litro ng petrolyo at tinatayang nagkakahalaga ng P7,500.00.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1865 *(**AN ACT DEFINING AND PENALIZING CERTAIN PROHIBITED ACTS INIMICAL TO THE PUBLIC INTERESTS AND NATIONAL SECURITY INVOLVING PETROLEUM AND/OR PETROLEUM PRODUCTS, PRESCRIBING PENALTIES THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES)* ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments