Barangay Kagawad, Huli sa Pagbebenta ng Shabu!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang barangay kagawad sa isinagawang Buy Bust Operation ng pinagsanib pwersa ng PNP Station 1 Santiago City, City Intelligence Branch, RDEU RO2 at PDEA Region 2 pasado alas tres kahapon, Marso a tres taong kasalukuyan sa barangay Baptista Village, Calao East, Santiago City.

Kinilala ang nadakip na si Barangay Kagawad Joey Dela Cruz, 49 anyos, may asawa at residente ng Mabini, Santiago City.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News sa PNP station 1 Santiago City, Binentahan umano ni Dela Cruz ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa halagang limang daang piso ang isang PDEA Poseur buyer na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.


Nakuha pa mula sa pag-iingat ni Dela Cruz ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu at limang daang pisong buy bust money.

Nasa kustodiya na ng Santiago City Police Office Si Dela Cruz na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Si Dela Cruz ay nasa ika tatlumpo’t siyam na High Value Target sa listahan ng PDEA at napag alaman din na tatakbo ito bilang kapitan sa nalalapit na halalan.

Facebook Comments