Nahaharap na ngayon sa patong-patong na kaso ang isang Barangay Kagawad, kaniyang asawa at lima pa dahil sa umano ay pagkakasangkot sa maanomalyang distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) sa Barangay Old Balara, Quezon City.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detention Group (CIDG), ang mga sinampahan ng kaso ay kinilalang sina Barangay Kagawad Emmanuel Esteban, asawa nitong si Maricris Esteban, Lilibeth Gabuya, Sheva Ordonio, Yolanda Ramis, Roberto Avengoza Jr. at Jonathan Dilodilo.
Nakalikom ng ebidensya ang CIDG sa ginagawang panghihingi ng 500 piso ng asawa ng Barangay Kagawad na si Maricris Esteban sa mga nakatatanggap ng SAP na para daw donasyon sa Old Balara Ladies Brigade.
Natukoy din ng CIDG na kasabwat ni Maricris ang kaniyang asawang Barangay Kagawad at lima pa.
Ilan sa kasong kanilang kinakaharap ngayon ay Bribery, Grave Coercion, Swindling o Estafa, at Bayanihan to Heal as One Act.