Kagawad na Sugatan sa Ambush sa Sto. Tomas, Isabela, Patay na rin!

557

Update- Binawian na rin ng buhay ang Kagawad na kasama sa pamamaril sa punong barangay ng Bubog, Sto Tomas, Isabela habang ito ay nilalapatan ng lunas sa Cagayan Valley Medical Center.

Magugunita na noong gabi ng Agosto 21, 2019 ay tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang sakay na SUV van nina Brgy. Captain Manuel Ramento at Kagawad Glen Padre kasama ang isang pamangkin at 6 na taong gulang na batang babae sa Brgy. Bagabag, Sto. Tomas, Isabela.


Unang binawian ng buhay sa isang pagamutan ang Kapitan matapos na magtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kaugnay nito, una nang nabanggit ni P/Capt Mariano Manalo, hepe ng PNP Sto, Tomas na posibleng may kaugnayan sa iligal na pamumutol ng kahoy ang kanilang tinitignang motibo sa krimen na mahigpit umanong ipinagbabawal ng Kapitan sa kanilang lugar.

Narekober din ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ang tatlumput dalawang (32) basyo ng bala ng M16 rifle na ginamit ng mga hindi pa matukoy na salarin.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa na sabing insidente.

Facebook Comments