BARANGAY KAGAWAD NA TUMATAKBONG KAPITAN, SUGATAN SA PAMAMARIL SA URDANETA CITY

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na pamamaril sa isang incumbent Brgy. kagawad sa Urdaneta City.
Ang biktima ay nakilalang si Salvador Tan Garcia residente ng Brgy. Asin East sa bayan ng Malasiqui.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na pauwi ang biktima sa kanilang bahay pasado alas nuebe ng Gabi sa García Village ng ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Bunsod nito ay nagtamo ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima at nagawa pa nitong isugod sa pagamutan ang sarili upang malapatan ng lunas.
Patuloy pa din ang imbestigasyon ng PNP sa motibo ng pamamaril at maging ng mga suspek habang napag alaman na ang biktima ay tumatakbong kapitan sa kanilang lugar at kung may kinalaman ba ito sa pulitika. |ifmnews
Facebook Comments