Barangay kagawad ng Pasay, arestado sa buy bust operation sa Parañaque

370

Parañaque City – Arestado ng Parañaque Police ang barangay kagawad ng Pasay City at limang iba pa sa buy bust operation kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Christian Cuenca, Kagawad ng Barangay 69, Pasay City; Roberto Calasan, Michael Angelo Ng, George Dela Rosa, Imelda Ramos at Syd Argie Quiachon.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng Php 50,000.00 at limang P1,000 na marked buy bust money.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558


Facebook Comments