Dalawang motorsiklo ang nagkabanggaan kung saan isa ang patay at isa ang sugatan dakong alas 10:20 kahapon ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Malasila, sa bayan ng Makilala, sa lalawigan ng Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Florencio Salang Morata ,62 anyos , may-asawa, Brgy. Kagawad ng Mabunga sa bayan ng Bansalan, sa Davao Del Sur.
Sugatan naman ang isa pang driver na si Chinelle Jhon Villatico Banguis 20 anyos na kasalukuyang ginagamot sa ospital sa Makilala .
Sa report ng Makilala Pnp binabaybay ni Morata ang daan patungo ng Poblacion Makilala sakay ng kanyang Kawasaki Bajaj CT100 mula sa Bansalan.
Bigla umano itong nag-U-turn sa 4way lane portion na under construction at hindi nito nakita ang paparating na motorsiklo na isang unit na Honda RS125 na minamaneho ni Baguis at dito na nagkasalpukan ang 2 motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakatilapon nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima at hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.
Nasa kostodiya ng Makilala Pnp ang motorsiklo ng suspect.(Amer Sinsuat)
Barangay kagawad patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa bayan ng Makilala North Cotabato
Facebook Comments