Barangay Kagawad, Patay sa Ambush!

1255

*Cabagan, Isabela -* Patay ang isang Barangay Kagawad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek habang papauwi sa kanilang bahay sakay ng isang kuliglig kaninang alas 11:00 ng umaga sa Brgy. San Antonio, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Beneth Balisi, 54 anyos, may asawa, isang magsasaka at Brgy. Kagawad ng San Antonio, Cabagan, Isabela.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, pauwi na sana ang biktima kasama ang dalawa pa na kinilalang sina Jovy Balisi at Jessa Mae Balisi, 21 anyos, walang asawa at kapwa residente ng nasabing barangay nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at pinagbabaril ng maraming beses si Beneth Balisi habang mapalad namang nakaligtas sina Jovy at Jessa Mae sa pananambang.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga salarin sa hindi matukoy na direksyon.

Naitakbo naman sa pinakamalapit na ospital ang nabaril na Kagawad ngunit idineklara din na “Dead on Arrival” (DOA) ng umasikasong doktor.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Cabagan sa nangyaring ambush upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers