Barangay kagawad pinagtataga at pinagbabaril ng NPA sa bayan ng Magpet North Cotabato

Masaklap ang sinapit ng isang barangay kagawad ng ito ay pagtatagain at pagbabarilin kahapon ng umaga sa bayan ng Magpet sa lalawigan ng Cotabato.
Kinilala ni Police Chief Inspector Rommel Constantino, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Valeriano Berondo Jr., barangay kagawad ng barangay Mahogkog sa bayan ng Magpet. Siya ang kasalukuyang humahawak ng committee on Peace and Order ng kanilang barangay.
Pasado alas nuebe ng umaga kahapon ng tagain at barilin ang biktima gamit ang M16 armalite rifle ng pinaniniwalaang mga kasapi ng Front 53 ng New Peoples Army.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments