BARANGAY KAGAWAD SA ALCALA SUGATAN SA PAMAMARIL

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pnp sa naganap na pamamaril sa isang brgy kagawad sa bayan ng alcala.
Ang biktima ay nakilalang si si Brgy Canarvacanan Kagawad Melvin Posadas.
Naganap ang pamamaril pasado alas sais ng umaga habang nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay ng lapitan ng dalawang lalaki.
Pagkatapos nito ay dito na agad na binaril ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang braso at agad na tumakas ang mga suspek.
Naisugod naman sa pagamutan ang biktima at patuloy na inoobserbahan habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril sa nasabing biktim. |ifmnews
Facebook Comments