Barangay Kagawad – Sinapak, Kinulata, Binaril ni Kapitan sa Iriga City, CamSur

60

Nasa kulungan ngayon ang isang kapitan ng Barangay San Antonio sa Iriga City matapos itong arestuhin ng pulisya kaugnay ng ginawa niyang pambubugbog at pamamaril kagabi bandang alas 9:30.
Ayon sa pahayag ng biktimang si Kagawad Fernando Celetaria, may binubugbog umano ang kapitan na kinilalang si Brgy. Chairman Renato Monedero. Sinubukan umanong sawayin ni Kagawad Celetaria si Kapitan Monedero subalit binalingan siya ng kapitan, sinapak, binugbog sabay paputok ng baril kung saan tinamaan ang kagawad sa leeg at pisngi.
Desididong magsasampa ng kaso si Kagawad Celetaria laban kay Kapitan Monedero na kilalang mayaman at malaking tao, na dati palang mag-classmate, ayon pa sa biktima. Idinagdag pa niya na may mga dati ng insidente ng pambubugbog na ginawa si kapitan sa kanilang lugar.
Sinikap namang kunan ng pahayag ni Kasamang Mike Biando ng Pasada Rinconada si Kapitan Monedero subalit tumanggi ito.
w/ report from kasamang Mike Biando of Pasada Rinconada

Facebook Comments

From Advertisers