Barangay kagawad, tanod huli sa tagayan sa kabila ng liquor ban

Arestado ang isang barangay kagawad, tanod at treasurer matapos mahuling nag-iinuman sa kabila ng umiiral na liquor ban habang may enhanced community quarantine sa Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Kagawad Edilberto Talaue, 54; tanod Jose Malazzab, 57; at treasurer Wilson Bacani, 33; pawang mga opisyal ng Barangay Fugu Abajo, Tamauini.

Ayon sa pulisya, naaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis ang tatlong kawani na tumatagay sa barangay.


Katwiran ng mga suspek, panlaban nila sa puyat ang pag-inom ng alak.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang tatlong opisyal.

Facebook Comments