Barangay Kagawad, Timbog sa Aktong Pagbebenta ng Shabu

115

Cauayan City, Isabela- Huli ang isang Barangay Kagawad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation bandang 12:30 kahapon sa Brgy. Pinas, Claveria, Cagayan.

Positibong nakilala ang suspek na si Kagawad Rolly Simon, 38-anyos, may-asawa at residente sa lugar.


Dinakip si Simon ng pinagsanib na pwersa ng 202ND MARPSTA, PIU/PDEU and 17IB 5TH Infantry Division Philippine Army, PNP Claveria sa koordinasyon ng PDEA Region 2.

Lumalabas sa imbestigasyon na positibong napagbentahan ng suspek ang isnag operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P500.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang baril na kalibre 38 at dalawang (2) pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Sinampahan na ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang kagawad na nasa pangangalaga ngayon ng pulisya.

Facebook Comments