Barangay Kagawad, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang Barangay Kagawad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation bandang 4:58 ng hapon kanina sa Barangay Bagunot, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Angel Rumbaua, 47-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang (1) gramo at may market value na P6,000, isnag (1) unit ng phone at motorsiklo na kanyang pag-aari.


Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous DruGS Act of 2001.

Facebook Comments