BARANGAY KAISAKARAVAN, DADAYO SA KAPISTAHAN NG NAGASSICAN

CAUAYAN CITY- Muling maglulunsad ng Brgy. Kaisakaravan sa Brgy. Nagassican bukas ika-18 ng Hulyo.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang taunang kapistahan, muling maglulunsad ng Brgy. Kaisakaravan ngayong darating na ika 18 ng Hulyo sa Brgy. Nagassican Santiago City, Isabela.

Ang programang ito ay hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago para sa mga residente ng Lungsod kung saan kabilang sa mga ipapamahagi at serbisyong ihahatid ay libreng check-up, gamot, binhi ng gulay, bakuna para sa alagang aso, pagsasaayos ng birth certificate, at legal consultations.


Katuwang naman sa pagbibigay serbisyo ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno kagaya ng City Agriculture Office, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, LDRRMO, Local Civil Registry Office, Persons with Disability Affairs Office at City Veterinary Office.

Facebook Comments