Barangay Kapitan at Tanod, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Huli ang itinuturing na dalawang High Value Target matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Elong Tumaneng, 50-anyos, may-asawa, Barangay Chairman at residente ng Brgy. San Francisco, Baggao at Jesus Battung, 51-anyos, may-asawa, Brgy. Tanod na residente ng Brgy. Centro East, Ballesteros.

Dakong 5:50 kahapon ng ikasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PIU/PDEU CPPO PDEA RO2 RSET, PDEA CAGAYAN PO, BAGGAO PS at NISU-12 na nagresulta ng pagkakahuli sa suspek na si Tumaneng.


Nakumpiska sa kanya ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800.

Una rito, nadakip bandang 4:30 kahapon ang isang tanod matapos ang inilatag na operasyon ng mga kasapi ng PIU/PDEU CPPO, PDEA Batanes Provincial Office, Ballesteros PS (Lead Unit) and 2nd Coy CPMFC na nagresulta ng pagkaaresto kay Battung.

Positibo umanong nakabili ng shabu ang isang poseur buyer kapalit ang P1,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments