Dalawang barangay opisyal sa bayan ng Magpet ang nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 ng silay makuhanan ng mga bala sa inilunsad na Oplan Lambat Bitag sa Crossing Tuael, Barangay. Binay sa bayan ng Magpet sa lalawigan ng North Cotabato dakong alas 10:00 ng umaga kahapon.
Kinilala ang dslawsng barangay official na sina Jorry Balbon Villa 40 anyos, may-asawa, kasalukuyan Barangay.Kapitan ng Barangay. Badiangon, ss bayan ng Arakan sa North Cotabato at isang Jennifer Villeza Sanan 30, anyos, may-asawa, barangay tanod ng nasabing barangay.
Ang dalawa ay nahuli sa isinagawang checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO) at Cotabato Police Mobile Force Company o CPMFC, habang ng sakay ng kulay pulang Honda XR 200, na may plakang 3044 KE na minamaneho ng kapitan.
Sa pagsisiyasat sa kanilang motorsiklo ay doon tumambad ang isang piraso ng steel magazine ng M16 rifle na nakuha sa kanang bulsa sa jacket ng baranggay kapitan kung saan nilagay ang tatlong piraso ng 5.56 live ammunition.
Dahil dito ay hinalughog ang iba pang dala ng mga suspek at doon bumandera ang abot sa 277 na piraso ng 5.56 live ammunition mula sa pag-iingat ni Sanan.
Agad inaresto ang dalawa na isinailalim sa masusing imbistigasyon dahil sa dami ng mga bala na kanilang dala. Sa ngayon inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 10591 laban sa dalawa.(with report from Jesy Ali)
Barangay Kapitan at tanod nahulihan ng mga bala sa check point sa Magpet North Cotabato
Facebook Comments