Cauayan City, Isabela- Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kapitan ng Barangay San Isidro sa bayan ng Baggao, Cagayan na kabilang sa High Value Target ng PNP at PDEA matapos maaresto kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Arnold Alonzo, 45-anyos, may-asawa at residente sa naturang lugar.
Naaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cagayan na pinangunahan ni IO II Rovina Littaua, Provincial Drug Enforcement Unit-Cagayan Police Provincial Office (PDEU-CPPO) at Baggao Police Station sa pamumuno ni Police Captain Gil Pagulayan Jr, Acting Chief of Police.
Nakumpiskahan ang kapitan ng higit kumulang isang (1) gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, isang (1) libong piso at limang (5) piraso ng 1,000-peso bill na boodle money na ginamit sa transaksyon.
Samantala, inihayag naman ni PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves na isa na namang matagumpay na operasyon kontra iligal na droga.
Barangay Kapitan, Huli sa Iligal na Droga
Facebook Comments