Barangay Kapitan Patay, Matapos Pagbabarilin!

Mallig, Isabela – Natagpuang nakabulagta at wala ng buhay sa gitna ng daan ang kasalukuyang barangay kapitan ng barangay Trinidad,Mallig Isabela kaninang alas kwatro bente ng umaga .

Sa impormasyong ipinarating ni Police Superintendent Warlito Jagto pinuno ng Police comminity Relations Office ng Isabela Provincial Police Office o IPPO, ang biktima ay nakilalang si kapitan Bartolome Mackay, 56 taong gulang, may asawa at residente sa nasabing barangay.

Sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nakarining ng sunud-sunod na putok ng baril ang ilang residente ng barangay at nang nirespondehan ito ng PNP Mallig ay natagpuan na ang katawan ng kapitan na nakahandusay sa gitna ng daan.


Sa ngayon ay nagsasagawa na ng karagdagang imbestigasyon at manhunt operation ang pinagsanib na pwersa ng IPPO at PNP Mallig  sa nasabing  pangyayari.

Facebook Comments