Barangay Kapitan pinagbabaril sa bayan ng Magpet Notth Cotabato

Isa na namang barangay kapitan ang biktima ng pamamaril sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng tanghali.
Kinilala sa report ang biktima na si Emilio Buenavidez, Barangay chairman ng Datu Celo ng bayan ng Magpet na nagtamo ng sugat sa katawan matapos barilin. Ayon kay PSI Jose Mari Molina, hepe ng Magpet PNP nangyari ang pamamaril sa barangay Bagumbayan ng nasabing bayan. Nagmula si Buenavidez sa Barangay Poblacion matapos na dumalo sa isinagawang ABC election. Nakasakay ng kanyang motorsiklo si Buenavidez at pagdating sa Barangay Bagumbayan ay dito na siya binaril ng riding in tandem criminal.
Agad namang tumakas ang mga salarin matapos maisagawa ang krimen. Sa ngayon ay inaaalam pa ng mga otoridad kung sino ang mga suspect at ang motibo sa pamamaril.(AGS)

Facebook Comments